Isinagawa ngayong Setyembre 15, 2026 (Martes) sa Cavite State University – Naic Campus, Brgy. Bucana Malaki, ang FASD Day – Fish Conservation Week Celebration na may temang “Kabataang Pilipino: Taglay ay Lakas Para sa Likas-Kayang Pangisdaan.”

Nakiisa si Mayor Rommel Magbitang sa pagdiriwang bilang suporta sa mga programang nagtataguyod ng pangangalaga sa yamang pangisdaan at pakikilahok ng kabataan sa pangangalaga ng kalikasan.

Katuwang sa aktibidad

  • Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
  • Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer

Namahagi rin ng mga wheelchair bilang bahagi ng serbisyong hatid sa mga benepisyaryo.