Info-Caravan on Credit Program and Clustering and Consolidation of Farmers and Fisherfolks Association

Isinagawa ngayong Martes, Hulyo 21, 2026, sa Naic Covered Court ang Info-Caravan on Credit Program and Clustering and Consolidation of Farmers and Fisherfolks Association sa pangunguna ng Office of the Municipal Agriculturist and Biosystems Engineer.

Layunin ng programa na magbigay ng impormasyon tungkol sa mga credit program at palakasin ang pagkakaisa at organisasyon ng mga samahan ng mga magsasaka at mangingisda upang mas mapalawak ang kanilang mga oportunidad at suporta mula sa iba't ibang programa ng pamahalaan.