Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa sektor ng agrikultura, isinagawa ngayong Miyerkules, Hulyo 29, 2026, ang Techno Demonstration Cum Harvest Festival sa Naic Coastal National High School sa Brgy. Labac sa pangunguna ng Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer (OMABE).
Personal na dinaluhan ni Mayor Rommel Magbitang ang programa upang makiisa sa mga estudyanteng kalahok at masaksihan ang mga kaalaman at kasanayang kanilang natutunan sa pamamagitan ng mga isinagawang techno demonstration.
Patuloy na sinusuportahan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang mga programang nagbibigay ng makabagong kaalaman at naghihikayat sa mas maraming kabataan na maging bahagi ng pag-lago ng sektor ng agrikultura sa ating bayan.



