Pagsasanay sa Financial Literacy para sa mga SLP Associations

Matagumpay na naisagawa nitong araw, Miyerkules, Agosto 6, 2025, ang Financial Literacy Seminar para sa 5 SLP associations na pinangunahan ni DSWD Representative Melanie D. Magarao.

Layunin ng seminar na ito na bigyang-kaalaman ang mga miyembro sa mga tamang paraan ng paggastos at pamamahala ng kanilang mga yaman. Sa mga kaalaman at kasanayang ito, inaasahan natin na mas magiging handa ang mga miyembro sa pagbuo ng mas matibay na pundasyon para sa kanilang mga pamilya at komunidad.