Bakuna Eskwela, Kaligtasan para sa Kinabukasan!
Isinagawa ang Orientation para sa DepEd District Supervisors at School Heads ng Bayan ng Naic bilang paghahanda sa programang Bakuna Eskwela. Layunin nitong maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa HPV, Measles, Rubella, Tetanus, at Diphtheria.
Sa bakuna, iwas-pag-aalala! Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat mag-aaral para sa mas ligtas at mas masiglang paaralan.



