Isang hakbang para sa mas malusog na Naic!
Naganap noong Huwebes, Agosto 7, 2025, ang Third Quarter Local Health Board Meeting ng Bayan ng Naic, na ginanap sa Amisa Medical Mission, Timalan Concepcion.
Pinangunahan ni Mayor Rommel Magbitang bilang Chairperson, Dr. Ma. Carolina P. Matel bilang Vice Chairperson at Konsehal Arnel Milay bilang SB Representative Committee on Health.
Mga agenda
Isa sa mga pangunahing agenda ay ang reorganisasyon ng Local Health Board Council, kung saan tinalakay rin ang mga proposed health resolutions para sa mas epektibong serbisyong medikal sa ating bayan.
Mga bagong miyembro
Kasama sa mga bagong miyembro ng konseho ang mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor gaya ng SB, DepEd, DOH, NGO, at mga ospital sa Naic.
Sama-sama nating itaguyod ang kalusugan ng bawat Naikeño!



