Isinagawa noong Agosto 25, 2026 sa Triple 8, Barangay Sabang ang Financial Literacy Training para sa 180 exiting at graduating beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Bahagi ito ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic, na naglalayong magbigay ng praktikal na kaalaman sa wastong paghawak ng pera, pagba-budget, pag-iimpok, at pagpaplano ng pananalapi bilang paghahanda sa kanilang susunod na yugto.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga pamilya tungo sa mas matatag at maayos na pamumuhay.



