Isinagawa ngayong Agosto 24, 2026 ang Fun Run at iba pang aktibidad bilang bahagi ng National Lung Month celebration, sa pangunguna ng Municipal Health Office (MHO) ng Bayan ng Naic, sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Rommel Magbitang.
Nais ng programa na palawakin ang kamalayan tungkol sa pangangalaga sa baga at hikayatin ang bawat Naicqueño na magkaroon ng aktibong pamumuhay at mas malusog na pangangatawan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nakilahok sa aktibidad. Patuloy ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagsuporta sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng bawat Naicqueño.



