Matagumpay na ipinagdiwang ang kauna-unahang Fish Conservation Week Celebration sa bayan ng Naic sa pangunguna ni Yorme Rommel Magbitang, katuwang ang Office of the Municipal Agriculturist and Biosystems Engineer (OMABE). Ginanap ito sa AquaBEST Building Hall, Cavite State University Naic Campus, Bucana Malaki, nitong Sabado, Oktubre 11, 2025.

Layunin

Layunin ng aktibidad na maipabatid ang kahalagahan ng pangangalaga at pagprotekta sa karagatan, at maimulat ang mga kabataan sa kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng likas-yaman ng bayan ng Naic.

Mga Tampok

  • Poster Making Contest
  • Fish Dish Cooking Competition

Tinampok ang mga ito upang bigyang-diin ang pagkamalikhain at malasakit ng mga Naicqueño sa kalikasan at karagatan.