Pinasimulan ni Mayor Rommel Magbitang kasama si Municipal Administrator Atty. Rodolfo Uy III ang Local Development Council Meeting, kung saan ipinaliwanag niya ang layunin ng LDC at kung paano ito nagsisilbing daan upang maisagawa ang mga plano, proyekto, at programa para sa kapakinabangan ng buong Bayan ng Naic. Hinikayat din niya ang mga dumalo na aktibong makibahagi at magbahagi ng kanilang mga ideya para sa patuloy na pag-asenso ng Bayan ng Naic.

Dumalo sa pagtitipon ang mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Naic at mga miyembro ng Local Development Council, kung saan tinalakay ang Annual Investment Program 2026 at Second Supplemental Investment Program 2025, mga planong magpapalakas sa mga serbisyo at proyekto para sa mas maayos na pamumuhay ng bawat Naicqueño.