Ang HOA Lingkod Desk Training ay isinagawa sa Bayan ng Naic.
Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang at sa pakikipagtulungan ng Task Force Housing na pinangunahan ng kanilang Head na si Former Councilor Atty. Ferdinand "Ding" Wakay, matagumpay na isinagawa ang HOA Lingkod Desk Focal Persons' Training and Seminar on Policies and HOA Processes noong Lunes, Oktubre 13, 2025, sa Bernardino's Resort, Barangay Molino, Naic, Cavite.
Sa tulong ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Region IV-A, naging makabuluhan ang talakayan ukol sa mga polisiya at mandato na magpapatibay sa ugnayan ng mga HOA at ng Lokal na Pamahalaan ng Naic. Layunin ng programang ito na higit pang mapaigting ang kaalaman ng mga homeowner associations sa tamang pamamahala at pagpapaunlad ng kanilang mga komunidad sa Bayan ng Naic.



