Matagumpay na ipinagdiwang ang kauna-unahang Fish Conservation Week Celebration sa bayan ng Naic, sa pangunguna ni Yorme Rommel Magbitang, katuwang ang Office of the Municipal Agriculturist and Biosystems Engineer (OMABE).

Ginanap ang selebrasyon sa AquaBEST Building Hall, Cavite State University Naic Campus, Bucana Malaki.

Tampok rin sa selebrasyon ang Poster Making Contest at Fish Dish Cooking Competition, na nagbigay-diin sa pagkamalikhain at malasakit ng mga Naicqueño sa kalikasan at karagatan.