Isinagawa ngayong Martes, September 28, 2026 sa King Solomon Function Hall, Shoreline Kabalikat sa Kaunlaran, Inc. (Daluyan) Sitio Acacia, Malainen Bago, Naic, Cavite ang training on Repair and Troubleshooting of Single Cylinder Engines.

Layunin ng pagsasanay

Tampok sa pagsasanay ang pagpapalawak ng kaalaman at praktikal na kasanayan ng mga kalahok sa pagkukumpuni at troubleshooting ng single-cylinder engines, bilang dagdag na kaalaman na maaaring magamit sa trabaho at kabuhayan.