Matagumpay na isinagawa ang Kadiwa ng Pangulo sa Naic Town Plaza noong Setyembre 2, 2026, na nagbigay ng pagkakataon sa mga Naicqueño na makabili ng iba't ibang produkto at pangunahing pangangailangan sa mas abot-kayang presyo.

Naging bahagi ng programa ang iba't ibang sektor ng Bayan ng Naic, na sama-samang nakinabang sa mga produktong hatid ng mga participating vendors at partners.

Maraming salamat sa lahat ng ahensya, organisasyon, vendors, at mga katuwang na naging bahagi ng matagumpay na Kadiwa ng Pangulo sa Bayan ng Naic.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagsuporta sa mga programang nagbibigay ng dagdag na oportunidad at konkretong benepisyo para sa bawat Naicqueño.