Matagumpay na napasimulan ang pagdiriwang ng World Rabies Day 2025 na may temang "Rabies-Free na Pusa't Aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino." Layunin nitong palakasin ang kamalayan ng mga Naicqueño tungkol sa rabies, kung ano ito, paano ito maiiwasan, at ang mga tamang hakbang para mapanatili ang kaligtasan ng buong bayan ng Naic, noong Miyerkules, Setyembre 25, 2025, sa Waltermart, Sabang.

Tampok sa selebrasyon ang masayang Pet Fashion Walk na nilahukan ng mga alagang aso at pusa ng ating mga kababayan. Nagkaroon din ng pagkilala sa pamamagitan ng mga sertipiko bilang patunay ng sama-samang pakikibahagi ng komunidad.

Ang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Municipal Health Office (MHO) at ng Department of Agriculture para sa mas ligtas at rabies-free na pamumuhay para sa bawat Naicqueño.