Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang naganap ang regular Flag Raising Ceremony ng Bayan ng Naic, kasama ang mga kawani mula sa Barangay Balsahan na nagsilbing lead ng programa. Ngayong Lunes, January 12, 2026 sa Naic Municipal Hall.

Sa kanyang mensahe, nagpaabot si Mayor Rommel Magbitang ng pagbati sa mga kawani at nagbigay ng paalala hinggil sa maayos na pamamalakad, lalo na sa tamang proseso ng business permits at ang kahalagahan ng pagsunod sa mga patakaran nang walang special treatment.

Nagpaabot rin ng kanilang pagbati at mensahe sina Konsehal Arnel Milay, Konsehal AJ Nazareno, at Konsehal Raymond Senia, bilang suporta sa patuloy na maayos at tapat na paglilingkod ng pamahalaang bayan ng Naic sa mga Naicqueño.