Naganap na aktibidad

Matagumpay na isinagawa ng Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer ang Anti-Rabies Vaccination bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic na mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng mga alagang hayop at ng buong komunidad, ngayong Miyerkules, January 14, 2026 sa Barangay Hall ng Balsahan Naic Cavite.

Susunod na iskedyul

Ang programang ito ay magpapatuloy sa iba't ibang barangay at lokasyon sa mga susunod na araw, upang mas marami pang mga alaga ang mabakunahan laban sa rabies.

Inaanyayahan ang lahat ng pet owners na makiisa at dalhin ang kanilang mga alaga upang magpabakuna sa mga susunod na lugar:

Petsa Oras Barangay Venue
Huwebes, Enero 15, 2026 8:00 AM - 12:00 NN Bucana Malaki Bucana Malaki Covered Court
Biyernes, Enero 16, 2026 8:00 AM - 12:00 NN Bucana Sasahan Bucana Sasahan Covered Court