Sa pamamagitan ng BOSS, mas pinabilis at mas pinadali ang pagproseso ng business permits at renewals para sa mga negosyanteng Naicqueño, sa iisang lugar at iisang sistema.

Ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic na gawing mas maayos, at mas accessible ang serbisyo publiko para sa sektor ng negosyo.

Patuloy nating sinusuportahan ang pag-asenso ng lokal na ekonomiya at kabuhayan sa ating bayan ng Naic.

Bukas ang BOSS hanggang Martes, Enero 20, 2026, 8:00 AM hanggang 5:00 PM.