Inaanyayahan ang lahat ng Naicqueño na makibahagi sa Local Recruitment Activity na layong maghatid ng mga oportunidad sa trabaho at makapag-ugnay sa iba't ibang employer na naghahanap ng bagong talento.

Iskedyul

Petsa Oras Lugar
Martes, Enero 13, 2026 9:00 AM – 4:00 PM 3rd Floor, Sabang Barangay Hall, Naic, Cavite

Bukas ang aktibidad na ito para sa mga naghahanap ng trabaho at sa mga nais mag-explore ng bagong oportunidad.

Bahagi ito ng patuloy na pagsusumikap ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic na suportahan ang kabuhayan at pag-asenso ng mga manggagawang Naicqueño.