Naganap ang Flag Raising Ceremony ngayong Lunes, Marso 16, 2026 sa Naic Municipal Hall, sa pamumuno ng ating butihing Mayor Rommel Magbitang at sa pangunguna ng Barangay Halang bilang host.

Dumalo rin sa seremonya ang mga kandidata ng Mutyang Naicqueña, na nagbigay kulay at sigla sa pagtitipon ng mga kawani ng pamahalaan at mga Naicqueño bilang panimula ng linggong puno ng serbisyo para sa Bayan ng Naic.