Isang magandang pagkakataon para sa mga naghahanap ng trabaho! Isasagawa ang Local Recruitment Activity (LRA) sa March 17, 2026, 9:00 AM sa Public Employment Service Office (PESO), 2nd Floor, Naic Municipal Hall.

Layunin

Sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) – Naic, layunin ng aktibidad na mailapit ang mga lehitimong employer sa mga Naicqueño at makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa hanapbuhay para sa ating komunidad.

Paalala para sa mga aplikante

Hinihikayat ang mga aplikante na magdala ng updated resume at sariling ballpen. Magkita-kita sa PESO!