Naganap ang Open House/Exhibit ng Naic Fire Station noong Martes, Marso 17, 2026, kung saan dinaluhan ito ng mga estudyante mula sa iba't ibang paaralan upang mas makilala at maunawaan ang mahalagang papel ng ating mga bumbero sa komunidad.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan sa fire safety at fire prevention, at mahikayat silang maging mas handa at responsable sa pagpapanatili ng kaligtasan sa Bayan ng Naic.



