Isinagawa sa Ciudad Nuevo Phase 1 ang pamamahagi ng Localized Pension Plan para sa mga kwalipikadong Naicqueño bilang bahagi ng patuloy na programang panlipunan ng Bayan ng Naic. Layunin ng inisyatibong ito na magbigay ng karagdagang suporta at seguridad sa ating mga benepisyaryo.
Sabado, Pebrero 21, 2026
Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na pinatitibay ng Bayan ng Naic ang malasakit at konkretong aksyon para sa kapakanan ng bawat Naicqueño, lalo na sa mga higit na nangangailangan ng tulong at pagkalinga.



