Alinsunod sa Executive Order No. 26, Series of 2026, ang Pamahalaang Bayan ng Naic ay nagpapatupad ng Four Day Work Week bilang bahagi ng energy conservation measures at mas maayos na paggamit ng resources.

Work Schedule

  • Lunes hanggang Huwebes: 7:00 AM – 6:00 PM

Biyernes

Walang government transactions sa ilang tanggapan ng Municipal Government of Naic.

Gayunpaman, ang mga sumusunod na opisina ay mananatiling operational upang masiguro ang tuloy tuloy na serbisyo sa publiko:

  • MDRRMO
  • Naic PNP
  • Naic Traffic Management Office
  • Bantay Dagat
  • Naic BFP
  • Public Market Unit
  • General Services Office
  • Municipal Health Office
  • Municipal Jail

Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan na planuhin ang kanilang pagpunta sa munisipyo mula Lunes hanggang Huwebes para sa kanilang mga transaksyon.

Patuloy ang ating layunin na mapabuti ang serbisyo habang inaalagaan ang ating resources para sa kapakanan ng buong komunidad.