Naganap ang pamamahagi ng Women's Kit sa pangunguna ng Chairperson ng Local Council for Women na si Dra. Rommelyn Magbitang sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang nitong Lunes, March 9, 2026 sa Naic Municipal Hall, bilang bahagi ng patuloy na pagkilala at pagsuporta sa mga kababaihan ng Bayan ng Naic sa pagdiriwang ng Women's Month.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng libreng gupit, manicure, at pedicure services para sa mga kababaihang Naicqueño na ginanap sa Triple 8 Building, Barangay Sabang, Naic, Cavite, bilang karagdagang serbisyong handog upang ipakita ang malasakit sa kanilang kalusugan at kapakanan.



