Naganap ang Wheelchair Distribution sa Naic Municipal Hall ngayong Martes, Marso 10, 2026, sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang kasama ang Rural Health Unit (RHU) at Department of Health (DOH), bilang bahagi ng patuloy na suporta para sa mga Naicqueño na may espesyal na pangangailangan.
Layunin ng programa
Ang programang ito ay patunay ng malasakit at sama-samang pagkilos ng pamahalaang bayan at katuwang na ahensya upang masiguro ang mas komportableng pamumuhay para sa bawat miyembro ng ating komunidad.



