Bilang pakikiisa sa paggunita ng World AIDS Day, nagsama-sama ang mga Naicqueño para sa "One Run, One Community, One Fight Against HIV/AIDS." Mula RHU Naic hanggang Triple 8 Sabang, sabay-sabay nilang ipinakita ang suporta at malasakit ng mga Naicqueño, noong Biyernes, December 12, 2025, sa Triple 8 Warehouse Bldg. Sabang, Naic Cavite.

Dumalo rin si Dra. Ma. Carolina Matel bilang Municipal Health Officer, na nagbigay ng mensahe para sa lahat ng nakilahok. Nagkaroon din ng libreng HIV testing bilang hakbang para maprotektahan ang kalusugan ng bawat Naicqueño.

Sa Bayan ng Naic, patuloy tayong nagkakaisa para sa isang bayan na mas ligtas, mas may alam, at may malasakit.