Binigyang-pansin ngayong September 29, 2026 ang kahalagahan ng responsible pet ownership at rabies prevention sa isinagawang orientation sa Naic Elementary School at San Roque Elementary School sa pangunguna ng Office of the Municipal Veterenarian.
Tinalakay sa orientation ang mga paraan ng pag-iwas at pagprotekta laban sa rabies, bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kaligtasan ng kanilang sarili, pamilya, at mga alagang hayop.



