Naganap ngayong Huwebes, Marso 5, 2026, ang Culminating Activity ng HabiKuna: Weaving Resilience from Waste sa Bayan ng Naic, kung saan dumalo at nagpakita ng suporta si Mayor Rommel Mabitang kasama si Konsehal Ryan "Konsitorrney" Flores. Sinuportahan rin ni Congresswoman Aniela Tolentino ang programa na naglalayong isulong ang kamalayan sa pangangalaga sa kalikasan at malikhaing paggamit ng mga materyales na maaaring muling pakinabangan.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa Local Youth Development Council, bilang bahagi ng patuloy na pagkilos ng pamayanan upang hikayatin ang mga kabataang Naicqueño na makiisa sa mga inisyatibong nagtataguyod ng responsableng pamamahala ng basura at pangangalaga sa kapaligiran sa Bayan ng Naic.



