Parangal sa Naicqueñong Research Awardee

Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Bayan ng Naic sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang ang tagumpay ni Dr. Jeanet Estonilo-Parreño, CGPA, CRFA, CPM, CHRA mula sa Barangay Labac bilang isang International Research Awardee na nagdala ng karangalan sa Bayan ng Naic.

Ang kanyang mga natamong pagkilala sa larangan ng pananaliksik ay sumasalamin sa husay at dedikasyon ng mga Naicqueño na patuloy na nagsusumikap at nagbibigay inspirasyon sa ating komunidad at sa mga kabataang susunod na maglilingkod sa bayan ng Naic.