Naganap ang Entrepreneurship Day ng Western Colleges Inc., Naic Cavite, kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang mga ideya at inisyatiba sa larangan ng pagnenegosyo. Personal na dumalo si Mayor Rommel Magbitang sa programa ngayong Biyernes, Marso 6, 2026.

Layunin ng aktibidad

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga kabataang Naicqueño na palakasin ang kanilang kakayahan sa entrepreneurship bilang paghahanda sa mga oportunidad sa negosyo at kabuhayan na makatutulong sa patuloy na paglago ng Bayan ng Naic.