Matapos ang konsultasyon sa disaster risk management team ukol sa pagkansela ng pasok sa bayan ng Naic, napagdesisyunang ituloy ang klase sa Huwebes, Setyembre 25, 2025 (nakasulat sa orihinal na anunsyo ang petsang September 24, 2025). Kung magbabago ang panahon o lumala ang sitwasyon, mabilis na magre-react at mag-aanunsyo ang pamahalaan ng mga kinakailangang hakbang upang protektahan ang lahat.
Sa mga paaralan sa bayan ng Naic, sana maging maunawain ang mga estudyante kung sila man ay hindi makakapasok dulot ng masamang panahon.
Sa bawat araw na nawawalan ng klase, naaapektuhan ang buong takbo ng paaralan at ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay sa bawat estudyante. Kaya itutuloy muna ang klase hangga't ligtas at walang seryosong babala, ngunit handang magbago kung kinakailangan upang protektahan ang lahat.
