Paglagda ng kasunduan

Pinangunahan ni Mayor Rommel Magbitang ang makabuluhang paglagda ng kasunduan sa pagitan ng Palangue Agrarian Reform Cooperative (PARC) at Lokal na pamahalaan ng bayan ng Naic, katuwang ang National Irrigation Administration (NIA) at Department of Agrarian Reform (DAR). Dumalo rin ang DAR representatives at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Head na si Christina Ilagan. Naganap ang pagtitipon upang higit pang mapalakas ang programang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP).

Mensahe

Binigyang-diin ni Mayor Rommel Magbitang na ang malnutrisyon ay isa sa pinakamalaking hamon sa CALABARZON, at ang kasunduang ito ay malaking tulong para sa bawat Naicqueño. Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa lahat ng katuwang na ahensya at sa mga magsasaka na patuloy na nag-aalay ng suporta para sa mas masustansyang kinabukasan ng Bayan ng Naic.

Kasabay nito, tiniyak ng DAR ang patuloy na pagtulong sa pagbibigay ng lupang sakahan at sa pag-market ng ani ng mga lokal na magsasaka, na ngayo'y direktang naipapasok bilang tulong sa mga pamilyang Naicqueño. Ang hakbanging ito ay isang konkretong patunay na sa Bayan ng Naic, lahat ay sama-sama para sa mas ligtas, masustansya, at mas maliwanag na bukas.