Pulong ng MPOC at MADAC

Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, bilang Chairman ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), naganap ang regular na pagpupulong para sa 3rd Quarter ng taong 2025. Layunin ng pagtitipon na tiyakin ang mas ligtas, maayos, at progresibong pamayanan para sa bawat Naicqueño.

Naganap ito nitong Martes, September 23, 2025, sa Triple 8, Sabang.

Mga tinalakay

  • Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan 2026–2028
  • Accomplishment at financial reports
  • Mga pangunahing usapin hinggil sa anti-criminality, public safety, anti-insurgency, at violent extremism

Inilatag din ang mga resolusyon, iskedyul, at plano upang higit pang mapagtibay ang kapayapaan at kaayusan sa Bayan ng Naic.

Sa pagkakaisa ng lokal na pamahalaan at mga konseho, masisiguro na ang bawat Naicqueño ay may katiyakan ng kaligtasan, kaayusan, at isang mas maliwanag na bukas para sa Bayan ng Naic.