Inaanyayahan ang lahat ng Naicqueño na makiisa sa gaganaping Job Fair sa darating na Martes, Hunyo 23, 2026, simula 10:00 AM, sa Stadium Shopping Strip, Barangay Munting Mapino, Naic, Cavite.

Mayroong mga oportunidad para sa OVERSEAS at LOCAL na employment na tiyak na makatutulong upang makapagbigay ng mas maginhawang kinabukasan para sa bawat Naicqueño.

Government services

Bukod dito, handog din ang iba't ibang government services gaya ng:

  • PSA National ID Registration
  • Pag-IBIG Fund
  • SSS
  • PhilHealth
  • Municipal Civil Registrar

At iba pang serbisyo ng gobyerno na makatutulong sa bawat Naicqueño.

Huwag sayangin ang pagkakataong ito. Maaari mo nang matagpuan dito ang trabahong para sa iyo!