Naganap sa Jollibee Highway ang pagdiriwang ng National Down Syndrome Consciousness Month na naglalayong itaguyod ang kamalayan, pagkakapantay-pantay, at inklusibong komunidad para sa lahat.
Personal na binisita ni Mayor Rommel Magbitang ang programa upang magbigay suporta sa layunin nitong isulong ang kamalayan, malasakit, at pagkilala sa kakayahan ng bawat isa.
Ang pagtitipon ay dinaluhan ng iba’t ibang sektor na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at inklusibong pamayanan para sa bawat Naicqueño.



