Isinagawa noong Martes, Setyembre 1, 2026, sa Naic Integrated National High School ang Joint Campus Safety Assembly na nagtalakay sa Active Shooter Response Protocol, kabilang ang kahandaan, tamang pagkilos, at koordinasyon sa panahon ng emergency.

Pinangunahan ni PLTCOL Louie DC Gonzaga, Chief of Police ng Naic MPS, ang talakayan upang mapalawak ang kaalaman ng mga guro, mag-aaral, at school personnel tungkol sa campus safety at emergency response.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa mga paaralan at law enforcement agencies para sa ligtas at maayos na learning environment.