Obligasyon sa Bayan, Ligtas na Pamayanan

Isinagawa ang “Talakayan at Damayang Pangkabuhayan” noong Biyernes, September 4, 2026, sa Daluyan Community Resource Center, Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite, sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection (BFP), sa pakikiisa ni Mayor Rommel Magbitang, dating Councilor Atty. Ferdinand Wakay, at mga kinatawan ng Homeowners’ Associations mula sa iba’t ibang komunidad ng Bayan ng Naic.

Layunin ng programa na palakasin ang ugnayan, pakikiisa, at pananagutan ng bawat komunidad tungo sa mas ligtas na pamayanan para sa bawat Naicqueño.