Matagumpay na naisagawa ang Joint Organizational Meeting ng mga konseho ng Bayan ng Naic sa pangunguna ni Yorme Rommel Magbitang, na nagbigay ng inspirasyonal na mensahe at nagsilbing gabay sa talakayan hinggil sa mga proyekto at planong para sa mga mamamayan ng bayan ng Naic.
Kabilang sa pagpupulong ang Municipal Development Council (MDC), Local Peace and Order Council, Local Health Board, at Local School Board. Tinalakay dito ang mga roles at functions ng bawat konseho at special body, pati na rin ang kahalagahan ng kanilang partisipasyon sa pagpapatupad ng mga programa para sa patuloy na pagyabong ng Bayan ng Naic.
Ang aktibong pangunguna ni Yorme Rommel Magbitang ay patunay ng kanyang malasakit at pagtutok sa mga usaping makakatulong sa mas maayos na pamamahala sa lokal na antas.



