Matagumpay na isinagawa sa Stadium Sports Arena ang Buntis Congress 2025 na may temang "Sigla ng Ina, Susi sa Kinabukasan — Kaya Ligtas na Panganganak, Kanilang Irarampa."

Layunin ng programa na mapalalim ang kamalayan ng mga ina tungkol sa ligtas na pagbubuntis, panganganak, at tamang pangangalaga sa sarili at sa kanilang mga sanggol. Tampok din ang mga makukulay na fashion ramp presentations na nagbigay saya at kumpiyansa sa mga ina, kasabay ng mga mensaheng nagbibigay-inspirasyon para sa lahat.

Pinangunahan ni Mayor Rommel Magbitang, katuwang ang Municipal Health Office (MHO) at Gender and Development (GAD) Office, bilang patunay ng patuloy na pangangalaga ng Pamahalaang Bayan ng Naic sa kalusugan at kapakanan ng bawat ina at pamilyang Naicqueño.