Pinangunahan ng mga Municipal Links ng DSWD Pantawid ang matagumpay na ikatlong quarterly Mapangbata Training o "Magulang para sa Bata." Layunin ng programang ito na gabayan ang mga magulang sa mas maayos na pagpapalaki at pagpapatibay ng relasyon sa kanilang mga anak, lalo na yaong mga hindi nakapag-aral. Bahagi rin nito ang pagbabahagi ng tamang kaalaman para sa wastong paglaki at kalusugan ng bawat bata.

Isinasagawa ang ganitong mga inisyatibo bilang patuloy na suporta ng Bayan ng Naic sa kapakanan ng bawat pamilya at kabataang Naicqueño.