Matagumpay na isinagawa ang blessing at inauguration ng Ikalawang Naic Pawikan Hatchery and Information Center nitong Huwebes, Oktubre 9, 2025, sa Cavite State University – Naic Mabulo Annex.

Pinangunahan ni Mayor Rommel Magbitang ang programa, kung saan siya ay taos-pusong nagpasalamat sa mga opisyal, institusyon, at panauhing dumalo, lalo na sa mga katuwang na ahensya tulad ng Philippine Reclamation Authority (PRA), SM Smart City Infrastructure and Development Corporation, at Cavite State University – Naic Campus (CvSU).

Ayon kay Mayor Magbitang, malaking hakbang ito sa pangangalaga ng kalikasan at sa pagpapanatili ng populasyon ng mga pawikan sa baybayin ng Naic. Dagdag pa ng kinatawan mula sa CvSU-Naic, mahalagang maipaalam sa kabataan ang kahalagahan ng karagatan bilang pamana sa susunod na henerasyon.

Layunin ng proyekto na magsilbing information hub at karagdagang hatchery site para sa mga pawikan na nangingitlog sa bayan ng Naic, patunay ng patuloy na malasakit ng Pamahalaang Bayan ng Naic sa pangangalaga ng kalikasan.