Kauna-unahang Naic Emergency Response Challenge
Sinimulan ngayong Sabado, Hulyo 18, 2026, ang kauna-unahang Naic Emergency Response Challenge sa Naic Municipal Grounds hanggang Sapa Covered Court sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Nakiisa ang mga volunteer responders, iba't ibang organisasyon, at mga kinatawan ng mga barangay sa mga emergency response stations upang ipamalas ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagtugon sa iba't ibang uri ng emergency.
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na pinalalakas ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang kahandaan at koordinasyon ng mga komunidad sa panahon ng sakuna at emerhensiya.



