Nagwagi ang Team Naic Posible sa Game 2 ng Cavite Ballers League Intertown Basketball Tournament Finals matapos makipagtagisan sa Team Bagong Trece, na may score na 85–67, ngayong Sabado sa Naic Town Plaza.

Sa bawat hustle, bawat depensa, at bawat puntos, ipinakita ng ating Team Naic Posible ang puso at determinasyon ng isang tunay na Naicqueño.

Isang laro na lang. Sama-sama nating dalhin ang lakas ng Bayan ng Naic at suportahan ang Team Naic Posible hanggang sa huling buzzer!