Hindi bumitaw ang Team Naic Posible at matagumpay na naitabla ang Game 2 ng Finals sa Cavite Ballers League Intertown Basketball Tournament matapos ang 85–67 na panalo laban sa Team Bagong Trece nitong Sabado sa Naic Town Plaza.
Ang bawat shoot, bawat depensa, at cheer mula sa ating mga Naicqueño ay naging bahagi ng panalong ito. Ipinakita ng ating Team Naic Posible na kapag sama-sama ang puso at suporta ng bayan, lahat posible!
