Isasagawa ang Local Recruitment Activity (LRA) sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) ng Bayan ng Naic. Inaanyayahan ang ating mga kapwa Naicqueño na naghahanap ng trabaho na makilahok at samantalahin ang pagkakataong makapag-apply at makapanayam nang direkta sa mga employer.
- Oras: 9:00 AM, Biyernes, Marso 6, 2026
- Lugar: PESO, 2nd Floor, Naic Municipal Hall, Bayan ng Naic
Patuloy ang Bayan ng Naic sa paghahatid ng mga programang nagbibigay ng konkretong pagkakataon sa bawat Naicqueño, bilang bahagi ng sama-samang pagkilos para sa mas matatag na komunidad.



