Magandang oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho! Isasagawa ang Local Recruitment Activity (LRA) sa February 24, 2026, mula 8:30 AM hanggang 3:00 PM sa PESO Office, Naic Municipal Hall.
Sa suporta ni Mayor Rommel Magbitang at sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) Naic, katuwang ang SM Hypermarket Naic Stadium at FortuneKing Sabang, magbubukas ng mga oportunidad sa ilalim ng Store Operations para sa mga sumusunod na posisyon:
- Customer Assistant
- Cashier
- Bagger
- Store Clerk
- Technical Clerk
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Naic na mailapit ang mga lehitimong employer sa mga Naicqueño at makapagbigay ng mas maraming pagkakataon sa hanapbuhay sa komunidad.
Dalhin ang updated resume at sariling ballpen. Magkita-kita sa PESO Office!
