Nakiisa si Mayor Rommel Magbitang sa Localized Social Pension Program para sa mga Senior Citizens ng Bayan ng Naic, na ginanap sa Villa de Adelaida Homes, Brgy. Halang ngayong Huwebes, Pebrero 12, 2026.

Layunin ng programa na suportahan at bigyang seguridad ang mga nakatatanda sa komunidad, kasabay ng pagtitiyak na bawat benepisyaryo ay natatanggap ang kanilang tulong nang maayos at tama.