Paalala sa opisyal na programa ng Pawikan Festival 2026. Sama-sama nating sundin ang iskedyul para maayos at mas masaya ang ating pagdiriwang.

Bahagi 1: Programa sa Umaga (Naic Plaza)

  • Venue: Naic Plaza
  • 5:30 AM: Walk-in Registration
  • 6:00 AM: Warm-up Exercise (pinangungunahan ng ating DJ)
  • Maikling Programa sa Pagbubukas: Panalangin, Pambansang Awit ng Pilipinas, Naic Hymn, Quick energizer, Mensahe ng pagbati mula sa host
  • 6:30 AM: Opisyal na Pagsisimula ng Takbo. Inaasahang babalik sa plaza ng 7:00 AM (30 minutong takbo)
  • Awarding Ceremony: Pangungunahan ni Rommel Magbitang
  • Fun: Pawikan Zumba
  • Inaasahang pagtatapos ng Bahagi 1: 8:00–8:30 AM

Bahagi 2: Naic Covered Court

  • Venue: Naic Covered Court
  • 9:00 AM
  • Pawikan Cheer Chant Competition
  • Environmental Forum

Kasama natin si Cong Aniela Tolentino at ang ating mga environmental advocates.

Inaasahang pagtatapos ng Bahagi 2: 11:30 AM (maikling pahinga bago ang mga gawain sa hapon)

Bahagi 3: Barangay Labac (Pawikan Hatchery Area)

  • 4:00 PM: Maikling Programa at Pagtatanghal
    • Community presentations
    • Clean-Up Drive
  • Maikling mensahe mula sa mga lokal na lider
  • Pagtatanghal ng Pawikan Cheer Chant Champion
  • 5:30 PM: Pawikan Releasing Ceremony (pagpapakawala sa paglubog ng araw)

Wakas ng Pawikan Festival 2026.

Mahalagang Paalala

  • Magdala ng sariling tumbler.
  • Bawal ang plastic bottles.
  • Maglalagay ng water filling stations.

Suportahan natin ang tunay na layunin ng Pawikan Festival: mahalin at protektahan ang ating Inang Kalikasan.