Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, nanumpa ang mga miyembro ng Highway Patrol Group Region 4A Force Multipliers. Sila ay katuwang sa pagpapatupad ng maayos na traffic control at direction, tumutulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa kalsada at kaligtasan ng mga motorista at pedestrian.
Patuloy ang kanilang mahalagang papel bilang suporta sa mga aktibidad ng lokal na pamahalaan at sa pagseserbisyo para sa kapakanan ng Bayan ng Naic at ng mga Naicqueño.



